
Ako ay musikerong biyaherong Japan Tulad ng marami ring nangingibangbayan Dahil sa saklap ng ating ekonomiya Kailangan kong iwanan ang aking pamilya Dahil ako ay karaniwang mamamayan Ako ay suspetsado na sa embassy pa lang Dami raw kasing nag-TNTing Pilipino Hindi nila alam, sikat akong musikero Ang aking gitara’y gawa ng Hapon Ang aking capo, kurdon, kwerdas at microphone Dahil kung gawang-Pinas ang iyong mabibili Baka sa pagtugtog mo ikaw ay makuryente Sa tulong ng ahensya ako ay nakalabas Kahit kalahati ng kita ko’y nakaltas At ang tangi kong sa inyo’y maibibida Lahat ng bagay sa Japan pawang magaganda Naroon ang ating magagandang sugpo Naroon ang ating magagandang puno Magagandang saging at magagandang pinya Pati na ang ating magagandang Pilipina Dahil sa lungkot ako’y hindi nakatagal Dagliang umuwi sa bayan kong minamahal Di pa man ako nakalabas sa terminal Nadugas na ng isang naka-unipormeng opisyal Nang buksan ko ang made in Japan kong TV Nagtalumpati ang mahal na presidente Siya’y tuwangtuwa sa maunlad na ugnayan Ng ating bansa’t mga bansang mayayaman Kaya kung iikutin ang buong Pilipinas Ang ating likasyama’y tuluyang naaagnas Mula sa Appari, Jolo, hanggang sa Palawan Sabaysabay tayong lahat: Mabuhay ang Japan!
Песен-НИКИ
Загрузка...
Другие песни Gary Granada
Все песни →Похожие песни

Бигасс
SODA LUV
Ничего личного
Русский рэп201975,448

Бандана
Платина
РНБ КЛУБ
Русский рэп201859,980

Свадебное путешествие
Александр Буйнов
Острова любви
Русская эстрада199954,906

Каспий жағалауы
Azamat
Поп200134,438

Шпилька-каблучок
Лолита
Анатомия
Русская эстрада201433,308

Девочка 2D
Dead Rave
Singles 15-17
Русский рэп201828,891


