
Ako ang dulo at ikaw ang umpisa Dal’wa ang dako ng landas nating dal’wa Ika’y apoy, ako ay tubig Duda ko’y iyong pananalig Ang tiyak sa iyo ay aking pangamba Ako’y maghapon at ikaw ay magdamag Ika’y matapang kung saan ako duwag Ang iyong huli ay siya kong una Madali mo’y di ko kaya At ang aking sige ay siya mong huwag At pag tayo’y nag-uusap Parang lupa’t alapaap Nagtatalo ang sigaw at ang bulong Sala sa ikli at haba Parang timog at hilaga Di mahuhulaan kung saan hahantong Bakit hanggang ngayon tayo ay narito At may kutob akong kapwa natin gusto Paano mo maipaliwanag Kung paano di natitinag At pagkakaiba ay di naging hadlang Dahil kaya pag magkasama’y masaya May kaagapay o kaya Baka naman pag-ibig lang (Interlude) Sala sa ikli at haba Parang timog at hilaga Di mahuhulaan kung saan hahantong Bakit hanggang ngayon tayo ay narito At may kutob akong kapwa natin gusto Paano mo maipaliwanag Kung paano di natitinag At pagkakaiba ay di naging hadlang Dahil kaya pag magkasama’y masaya May kaagapay o kaya Baka naman pag-ibig lang
Песен-НИКИ
Загрузка...
Другие песни Gary Granada
Все песни →Похожие песни

Бигасс
SODA LUV
Ничего личного
Русский рэп201975,446

Бандана
Платина
РНБ КЛУБ
Русский рэп201859,980

Свадебное путешествие
Александр Буйнов
Острова любви
Русская эстрада199954,906

Каспий жағалауы
Azamat
Поп200134,438

Шпилька-каблучок
Лолита
Анатомия
Русская эстрада201433,308

Девочка 2D
Dead Rave
Singles 15-17
Русский рэп201828,891


