Awit Ng Bahaghari

Awit Ng Bahaghari

Darating din ang bukas
Sisikat ang araw sa kalangitan.
Hahawiin ng liwanag ang mga ulap
mga agam-agam at mga alinlangan.
Babalik din ang dating sigla
Uusbong din ang mga binhing ipinunla
Manunumbalik ang mga ngiti at saya
at mapapawi ang kawalang nadarama.
May pag-asang darating
Hatid ng ihip ng hangin
May pag-asang darating
Hatid ng bahaghari
May pag-asang darating
Kasama mo ako
sa mga paghamon mo
Kasama mo ako
sa muling pagbangon mo
Abot tanaw ko na
ang bagong umaga
Abot kamay ko na
ang bagong pag-asa
May pag-asang darating
Hatid ng ihip ng hangin
May pag-asang darating
Hatid ng bahaghari

Песен-НИКИ

Загрузка...

Другие песни Noel Cabangon

Все песни →

Похожие песни