
'Di matangap na wala ka na Sa panaginip ko’y palagi kang nando’n At tayo’y magkasama Binabalikan ang mga nagdaan sa atin Dahil 'di ako sanay ng wala ka Magkahawak kamay naglalakad sa tabing dagat Tirik man ang araw parang langit 'pag nakayakap Ako sa iyo tapos nakahawak ka sa’king braso Nangangarap habang nakatingin tayo sa malayo Ang dami kong hiling ang dami kong gustong gawin Mga bagay upang pag-ibig ko’y lalo mong damdamin Gusto ko 'yung ganito 'yung hawak ko ang 'yong kamay Magka-akbay, parang wala na yatang papantay Sa pintig na kakaiba, na hatid mo sa akin Ako’y ganado 'pag ikaw ang kasabay kong kumain Ang 'yong halik na ang dulot ay ngiti na abot tenga Kaligayahan na hindi kayang mabili ng pera 'Di ko kayang isipin ang buhay ng hindi ka kasama Naiisip ko pa lang ako’y parang maluluha na Katabi kita pero ba’t gan’to ang pakiramdam Nalulungkot pa rin ako at labis na nasasaktan 'Di matangap na wala ka na Sa panaginip ko’y palagi kang nando’n At tayo’y magkasama Binabalikan ang mga nagdaan sa atin Dahil 'di ako sanay ng wala ka Ating kamay ay pinag-isa at ikinorteng puso Tanda ng pag-iibigan nating hindi susuko Sa kahit anong hamon sa ating pagsasamahan Tumanda man tayo hinding-hindi magkakasawaan Gusto ko 'yung ikaw ay lagi kong sinusurpresa Walang imposible pagdating sa’yo aking prinsesa Dito tayo sa gitna ng hugis pusong kandila Magpapaka-romantiko ‘ko upang mapangiti ka Mga litrato natin ay itatali sa mga lobo Kakantahan kita kahit medyo wala sa tono Maipadama ko lang kahit sa simpleng paraan Kung paano kita mahalin at pahalagahan Sinusumpa ko sa harapan ni Ama Na sa lahat ng sandali at oras mahal iingatan kita Pero bakit ganito ang bigat ng pakiramdam Nalulungkot ako parang may problemang dinadamdam 'Di matangap na wala ka na Sa panaginip ko’y palagi kang nando’n At tayo’y magkasama Binabalikan ang mga nagdaan sa atin Dahil 'di ako sanay ng wala ka At biglang buhos ng ulan ang tulog ko ay naudlot Panaginip lang pala sa tabi ng iyong puntod Mata ko’y ipinikit pinilit muling matulog 'Di alintana ang patak ng luha na nahuhulog Sa aking mata! Kahit basang-basa na ng ulan Hindi ko kase alam kung paano ko sisimulan Ang buhay ng 'di ka kasama, sinanay mo kasi 'ko Na laging masaya at ang araw ko ay kumpleto Wala na akong kasabay mag-sipilyo Wala ng makulit na uupo lagi dito sa binti ko Wala na akong ka-subuan kapag kumain Sa tuwing a-trese wala na 'kong susurpresahin Wala na akong bibigyan ng bulaklak At yayakapin sa harapan ng mga taong pumapalakpak Wala na ang babaeng habang buhay kong mamahalin Lahat ng 'yan ay tanging sa’yo ko lamang kayang gawin 'Di matangap na wala ka na Sa panaginip ko’y palagi kang nando’n At tayo’y magkasama Binabalikan ang mga nagdaan sa atin Dahil 'di ako sanay ng wala ka 'Di matangap na wala ka na Sa panaginip ko’y palagi kang nando’n At tayo’y magkasama Binabalikan ang mga nagdaan sa atin Dahil 'di ako sanay ng wala ka
Песен-НИКИ
Загрузка...
Похожие песни

Бигасс
SODA LUV
Ничего личного
Русский рэп201975,448

Бандана
Платина
РНБ КЛУБ
Русский рэп201859,980

Свадебное путешествие
Александр Буйнов
Острова любви
Русская эстрада199954,906

Каспий жағалауы
Azamat
Поп200134,438

Шпилька-каблучок
Лолита
Анатомия
Русская эстрада201433,308

Девочка 2D
Dead Rave
Singles 15-17
Русский рэп201828,891