
Meron akong gustong itanong Sagutin ng malakas ayoko ng pabulong Kung palaliman din lang kunin mo yung malukong Punuin natin ng mga salitang malutong Alam kong ang mundo na nilalakaran natin Ay nababalutan palupitan ng porma na pamatay Pataasan ng sampay, di nyo kayang pumantay Gano karaming ginto at singsing na nakalagay Sayong kamay at leeg malayo mo na madedma Palaging nakaangkla si Elsa, Lorna at Edna Nagmamahalang tsikot ang kanilang pinaparada Di makita sa bintana kapag pinaarangkada Aha, hanep palakasan ng dating Lahat na lang ay kalaban sa tuwing nalalasing Hindi naman manipis mga napakapraning Bakit di nauubusan ng mga hinanaing Hindi daw sya makasulat kapag hindi naka-weed Di naman nakakagulat halos di makatawid Sa makatuwid kung gusto mo na may masamid Pag lumakad sa alambre dapat napakatuwid Oppp, sabi na ganto ako na si cursy Dapat makatas pataas palagi Ano mang di mo naabot ay bahagi Balikan mo na lang pwede pang mapawi Isang anak na naghahanap ng pera, para sa Hapagkainan ng pamilya kahit malayo pa Pansit na nakabalot sa supot kanyang dala-dala Kahit na hindi sapat ay pagsasaluhan nila Tapos gigising sa hatinggabi upang timplahan ng Gatas ang kanyang sukling kahit ilang takal na lang Bukas tuloy ang kanyang pakikipagsapalaran Para sa kapakanan hindi magpapalamang Pero lalaban ng patas dahil ang pinapangarap Sa kanyang mga anak ay ang kabutihan ng asal Mabagal man ang pag-usad kulang man ang pantakal Maaga lagi sa bungad sipag na walang angal Basta nasa maayos lamang kayo Ligtas at malusog busog na ako Kahit na gano pa kabigat ang pasan ko Para lamang sa inyo bubuhatin ko to Basta nasa maayos lamang kayo Ligtas at malusog busog na ako Kahit na gano pa kabigat ang pasan ko Para lamang sa inyo bubuhatin ko to
Песен-НИКИ
Загрузка...
Другие песни Gloc-9
Все песни →Похожие песни

Бигасс
SODA LUV
Ничего личного
Русский рэп201975,448

Бандана
Платина
РНБ КЛУБ
Русский рэп201859,980

Свадебное путешествие
Александр Буйнов
Острова любви
Русская эстрада199954,906

Каспий жағалауы
Azamat
Поп200134,438

Шпилька-каблучок
Лолита
Анатомия
Русская эстрада201433,308

Девочка 2D
Dead Rave
Singles 15-17
Русский рэп201828,891





