
Lahat ay ginawa ko Lahat ay tinaya ko Para sa bayan ko Pero teka, paano kung tama siya? Ano ang napala ko Pati buhay tinaya ko Para sa bayan ko Pero teka, paano kung tama siya? Tinta at panulat ang ginamit Sa mga pahina ng libro ibinuhos ang galit Nag-aral nang matuwid parang sangi-saking anit 'Sang dalubhasang nahasa sa hasang na kay pangit Ng amoy nung ako’y magpasyang ituloy Ang pagsulat ng talata na magsisilbing apoy Sa bawat isang Pinoy na lubog sa kumunoy Ng dayuhan ang mga balot sa kumot na tisoy Kahit na sabi nila na ako’y hindi pumapalag Ang aking pagsulat ay isang gawain ng duwag Bakit kailangang magpatayan ng maghapo’t magdamag Kung sa kalaban mo’y bato at ang sandata mo’y libag? Makalipas ang isang daang taon at limampu Ano ang aking namasdan, ano ang aking natanto? Para bang ang panahon mula noon ay huminto Sino na bang nakadaan sa nakasaradong pinto? Ito ba talagang gusto kong kahinatnan Tandaan mo ang laman ng isang kasabihan: Aanhin mo ang kalayaan ng mga tinatapakan Kung bukas sila naman ang siyang maghahari-harian? Lahat ay ginawa ko Lahat ay tinaya ko Para sa bayan ko Pero teka, paano kung tama siya? Ano ang napala ko Pati buhay tinaya ko Para sa bayan ko Pero teka, paano kung tama siya? Ito ang sa tingin ko’y tama, at ang siya’y nararapat Pero teka lang… Paano kung tama siya? Sa kanila’y huwag kang maawa, yan lang ang siya’y nararapat Pero teka lang… Paano kung tama siya? Ako’y isang batang Tondo na anak ng mananahi At sa edad ng katorse’y mga braso’y natali 'Di man natapos sa eskwela, nagpatuloy magbasa Nakadampot ng karunungan at namulat ang mata Na ang nagaganap sa 'king kapaligiran ay mali At ang tanging sagot sa malalim na sugat ay tahi Silang alipin ng ginto at amoy ng salapi Mga dayuhan na dahilan ng maraming pighati Abuso at kalupitan, hindi mo dapat pagtakpan Kung hindi ka lumaban, wala kang dapat pagtakhan Ayaw nilang magparaya, may humaharang sa daan Wala nang pakiusapan, 'di mo subukang tadyakan Dahil ang kinakayankayanan lamang ay mahina Subukan mong sumigaw kahit maputulan ng dila Ibinuwis aming buhay, natunaw ang kandila At nagbago ang itsura ng tinaas na bandila Ito ba talaga ang gusto kong kahinatnan Kung iisipin ang laman ng isang kasabihan: Aanhin mo ang kalayaan ng mga tinatapakan Kung bukas sila naman ang siyang maghahari-harian? Lahat ay ginawa ko Lahat ay tinaya ko Para sa bayan ko Pero teka, paano kung tama siya? Ano ang napala ko Pati buhay tinaya ko Para sa bayan ko Pero teka, paano kung tama siya? Ito ang sa tingin ko’y tama, at ang siya’y nararapat Pero teka lang… Paano kung tama siya? Sa kanila’y huwag kang maawa, yan lang ang siya’y nararapat Pero teka lang… Paano kung tama siya?
Песен-НИКИ
Загрузка...
Другие песни Gloc-9
Все песни →Похожие песни

Бигасс
SODA LUV
Ничего личного
Русский рэп201975,448

Бандана
Платина
РНБ КЛУБ
Русский рэп201859,980

Свадебное путешествие
Александр Буйнов
Острова любви
Русская эстрада199954,906

Каспий жағалауы
Azamat
Поп200134,438

Шпилька-каблучок
Лолита
Анатомия
Русская эстрада201433,308

Девочка 2D
Dead Rave
Singles 15-17
Русский рэп201828,891




