
Tatlong magkakaibigan ang sa gubat napasyal Magsasaka, mangangaral at mangangalakal Doo’y may ermitanyong nasalubong nila May tatlong kumikislap na butil na dala Butil ng pag-ibig, wika ng matanda Ay ipamahagi palagi sa kapwa Ang mamamg negosyante, inuwi sa kanila Ang butil ng pag-ibig binigyan ng halaga Sa hapag ng mamahalin at babasaging kristal Nilapag at itinuring na panauhing pandangal Ngunit kahit na ang butil ay panatag sa silid Ay nanatiling butil ang butil ng pag-ibig Butil ng pag-ibig, wika ng matanda Ay ipamahagi palagi sa kapwa Ang magiting na guro, kanyang isinapuso Ang butil ng pag-ibig itinuring na ginto Nilukuban ng talino ng maingat na pantas Sa sisidlang kumikinang ng pilak na kwintas Ngunit kahit na ang butil ay panatag sa dibdib Ay nanatiling butil ang butil ng pag-ibig Butil ng pag-ibig, wika ng matanda Ay ipamahagi palagi sa kapwa Ang masinop na magbubukid, isinalin sa paso Ang butil ng pag-ibig inalay sa mundo At sa lupa na sa sipag at tiyaga ay binungkal Sa bakuran ng katuwiran na hindi nabubuwal Sa palibot na payapa hinasik at dinilig Sumibol at namunga ang butil ng pag-ibig At sa lupa na sa sipag at tiyaga ay binungkal Sa bakuran ng katuwiran na hindi nabubuwal Sa palibot na payapa hinasik at dinilig Sumibol at namunga, namunga ng kalinga, Tiwala at pag-asa ang butil ng pag-ibig
Песен-НИКИ
Загрузка...
Другие песни Gary Granada
Все песни →Похожие песни

Бигасс
SODA LUV
Ничего личного
Русский рэп201975,446

Бандана
Платина
РНБ КЛУБ
Русский рэп201859,980

Свадебное путешествие
Александр Буйнов
Острова любви
Русская эстрада199954,906

Каспий жағалауы
Azamat
Поп200134,438

Шпилька-каблучок
Лолита
Анатомия
Русская эстрада201433,308

Девочка 2D
Dead Rave
Singles 15-17
Русский рэп201828,891


